Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Marso, 2020

HALINA'T ALAMIN ANG MGA PAGBABAGONG NAGANAP SA IBA'T IBANG LARANG; Paglalantad ng Kulturang Popular

Imahe
  Tria, Jingky Z.    Hindi natin maitatangging malaki na talaga ang mga pagbabagong naganap sa larangan ng musika, sayaw, fashion o pananamit at maging sa libangan ng mga Pilipino partikular sa mga kabataan ngayon. Mahirap mang sabihin ang iba't ibang salik na nakakaapekto sa pagbabagong ito ngunit sa palagay ko'y dahil na rin sa globalisasyon.       Ika nga, ito na ang nauuso sa ngayon at ang anumang uso ay mahirap nang tanggihan. Ibig sabihin mas nagiging popular o  uso ang isang kanta, sayaw, pananamit at isang libangan dahil sa mga taong-bayan na patuloy na tumatangkilik sa mga ito dahil dito naiimpluwensyahan nila ang mga tao dahil sa tulong na rin ng iba't ibang klase ng social media sites katulad ng facebook, instagram, twitter at iba pa, maging ang mga naimbentong teknolohiya katulad na lamang ng radyo, telebisyon at iba pa. Mahirap mang tukuyin kung bakit nagkaroon ng mga pagbabago sa iba't ibang larang na nabanggit ngunit mada...

PAGBUNGKAL NG NAKATAGONG KAALAMAN SA LIKOD NG IBINAONG KARAPATAN (Isang malalimang pagsusuri sa tulang "Aklasan" ni Amado V. Hernandez)

Tria, Jingky Z. PAGBUNGKAL NG NAKATAGONG KAALAMAN SA LIKOD NG IBINAONG KARAPATAN (Isang malalimang pagsusuri sa tulang "Aklasan" ni Amado V. Hernandez ANG MAY-AKDA BILANG TAGASIWALAT    Si Amado V. Hernandez ay isinilang noong ika-13 ng Setyembre taong 1903. Ipinanganak siya sa Sagrada familia sa Hagonoy, Bulacan subalit siya ay lumaki sa Tondo, Manila kung saan nakapag-aral sa Mataas na Paaralan ng Maynila at Amerikanong Paaralan ng Pakikipag-ugnayan. Siya ay tinaguriang " Makata ng mga Manggagawa " dahil sinasalamin ng kanyang mga tula ang marubdob na pagmamahal sa mga dukhang manggagawa. Pinuna niya at sinuri ang kawalan ng katarungang naganap sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano . Nakipag-ugnayan siya sa komunista na siyang sanhi ng kanyang pagkakakulong na patunay ng kanyang pahayag sa kanyang tulang isinulat na pinamagatang "Isang Dipang Langit ".   Ayon sa kanya, ang panitikan ay mga kathang makasining, taglay ang ...