HALINA'T ALAMIN ANG MGA PAGBABAGONG NAGANAP SA IBA'T IBANG LARANG; Paglalantad ng Kulturang Popular
Tria, Jingky Z.
Hindi natin maitatangging malaki na talaga ang mga pagbabagong naganap sa larangan ng musika, sayaw, fashion o pananamit at maging sa libangan ng mga Pilipino partikular sa mga kabataan ngayon. Mahirap mang sabihin ang iba't ibang salik na nakakaapekto sa pagbabagong ito ngunit sa palagay ko'y dahil na rin sa globalisasyon.
Ika nga, ito na ang nauuso sa ngayon at ang anumang uso ay mahirap nang tanggihan. Ibig sabihin mas nagiging popular o uso ang isang kanta, sayaw, pananamit at isang libangan dahil sa mga taong-bayan na patuloy na tumatangkilik sa mga ito dahil dito naiimpluwensyahan nila ang mga tao dahil sa tulong na rin ng iba't ibang klase ng social media sites katulad ng facebook, instagram, twitter at iba pa, maging ang mga naimbentong teknolohiya katulad na lamang ng radyo, telebisyon at iba pa. Mahirap mang tukuyin kung bakit nagkaroon ng mga pagbabago sa iba't ibang larang na nabanggit ngunit madalas nating nakikita, nababasa, naririnig, at napapanood ang mga ito halimbawa na lamang sa telebisyon at sa radyo na halos mas pinadali na ng mga pagbabago sa ngayon katulad ng mga online videos, mga napapanood na online na mga pelikula maging sa mga babasahin at iba pa na halos ginagawa na ng nakararami.
Halina't pagnilaynilayan ang mga pagbabagong naganap sa larangan ng musika, sayaw, fashion o pananamit at maging sa libangan.
Musika
Sinasabing ang mga Pilipino noon ay may sariling klase ng musika, halimbawa na lamang ng awit sa kasal na tinatawag nilang "ihiman", ang awit para sa pakikilaglaban o labanan ay "kumintang" at ang tinatawag nilang "uyayi at hele" na mga "cradle songs". Samantalang sinasabing pagdating ng 19th century ang kumintang ay naging awit sa pag-ibig o "love songs". May mga sikat na mang-aawit sa Pilipinas na halos naging sikat dahil sa kanyang mga kantang kundiman. Nauso rin noon ang mga OPM na kanta na pinasikat ng mga banda at artista gaya ng "Hotdog" at ng kanilang tanyag na kantang "Manila", ng Apo Hiking Society at nila late Rico J. Puno na nakilala bilang "Mr. OPM".
Noon :
Kapansin- pansin ang malaking pagbabago sa mga musika sa ngayon kung susuriin natin ito sa allegro ng kanta, tono, pagkahina, pagkalakas at pagkabilis ng kanta, at iba pa. Kahit na nga sa mga lyrics ng kanta, sa mga salitang ginamit sa kanta at maging sa paksa ng mga kanta. Mapapansin natin na halos ang nakikinig na lamang sa mga dating kanta ay ang mga taong namulat sa panahong nauso ang mga kantang iyan. Dahil iba na ang mga kantang pinapakinggan at tinatangkilik ng mga kabataan sa ngayon. Dahil nasa 21st century na tayo nariyan na ang mga nauusong dayunang kanta katulad ng mga k-pop music at iba pa. Sa sitwasyong ito, masasabi nating nakakalimutan na natin ang mga kantang orihinal o sa atin dahil mas tinatangkilik na natin ang mga kantang pinauso ng ibang bansa o di kaya nanam naiimpluwensyahan na nito ang mga kantang pinapauso ng mga Pilipino.
Sayaw
Ang sayaw ay pangkalahatang tumutukoy sa lahat ng galaw ng tao na ginagamit bilang isang anyo ng pagpapahayag ng mga saloobin o tinatanghal sa isang tagpuang panlipunan, espiritwalidad at pangarap. Noon, mga katutubong sayaw ang nauuso na kung saan isa itong paraan na ginagawa ng mga Pilipino upang magpasalamat sa mga biyaya, sa magandang ani at iba pa. Kung mapapansin natin ang mga katutubong sayaw katulad ng singkil, tinikling, binasuan, pandanggo sa ilaw at iba pa ay hindi gaanong mabilis ang mga kikos o galaw ng mga mananayaw. Napakasimple lamang ng mga indak sa mga katutubong sayaw.
Noon :
"Tinikling"
Samantala ang mga sayaw naman na nauuso sa ngayon ay kabaligtaran naman ng klase ng sayaw noon. Masyado nang mabilis ang mga galaw ng mga mananayaw, mga mga delikadong galaw katulad ng pagtatambling na talagang magaling lamang na mananayaw ang makakagawa. Tinatangkilik na rin ngayon ang mga sayaw ng ibang bansa katulad ng mga "k-pop dance" at iba pa. Dahil na rin sa mga kolonyal na kaisipan ng mga Pilipino talagang niyayakap na natin ang anumang bagay may kinalaman sa ibang bansa.
Ngayon :
" Hip hop dance "
Fashion o Pananamit
Sinasabing bago paman tayo sakupin ng mga dayuhan ay may sarili na tayong kultura katulad na lamang ng sinabi ni Rizal sa kanyang anotasyon sa isinulat ni Dr. Antonio Morga sa "Sucesos de las Islas Filipinas" noong (1609), sinabi ni Rizal sa kanyang anotasyon sa aklat ni Morga na nasa kabanata 8 na bago paman tayo sakupin ng mga Kastila ay may sarili na tayong kultura. Sinasabing ang damit na ginagamit ng mga kakalakihan noon ay "kanggan at bahag" sa mga kababaihan naman ay "baro o camisa" at "saya o patadyong".
Noon:
"Kanggan at bahag "
Madalas pabago-bago na ang nauusong fashion o klase ng pananamit ng mga Pilipino sa ngayon. Kung mapapansin natin halos ang nauuso ngayong mga pananamit ay mga fashion ng ibang bansa na binibigyan din ng bersyon ng mga Pilipino na hindi naman gaanong malayo sa bersyon ng ibang bansa. May mga ilang fashion naman ang mga Pilipino na talagang impluwensya ng ibang bansa. Madalas natin itong makita sa mga palabas na talagang kinakahiligan ng mga kabataan sa ngayon. Kaya dahil dito marami tayong nakikitang iba't ibang fashion o klase ng pananamit na ginagaya natin o tinatangkilik na rin natin ang klase ng pananamit ng mga tao na nakikita natin sa mga palabas.
Ngayon :
"Crop top" and "shorts"
Ibang-iba na sa pananamit ng mga Pilipino noon na halos balot ang lahat ng parte ng katawan. Ngayon halos kinulang na sa tela ang mga klase ng damit. Nakikita na ang ilang bahagi ng katawan, masyado ng maiikli. May ilang nakapagsabi rin na fashion nila ito, ito ang gusto nila, ito ang magandang klase ng pananamit, para sa kanila ito na ang katanggap-tanggap na klase ng pananamit sa ngayon. Kaya naman tinatawag nila itong "kulturang popular " na binibigyang depinisyon kung ano ang maganda at katanggap-tanggap sa ngayon. Kaya bibihira na lamang natin makita ang klase ng pananamit noon ng mga Pilipino dahil hindi na ito ang popular o uso sa ngayon. Gayunpaman kailangan pa rin nating kilalanin ang kultura noon ng mga Pilipino dahil kahit papano noong mga panahong iyon ay tiyak naging popular din ito sa kanila.
Libangan
Noon :
Napakarami talagang epekto ng teknolohiya sa pang-araw-araw nating pamumuhay, maging sa larangan ng trabaho marami itong nagagawa. Dahil din sa teknilohiya nabago na rin ang libangan natin sa ngayon. Noon dahil hindi pa laganap ang mga social media sites at ang mga teknokohiya, ang madalas na libangan namin noon ay tumbang preso, luksong-baka, tagu-taguan at bahay-bahayan at iba pa. Napakaganda ng mga larong ito dahil talagang nagkakaroon ka ng interaksyon sa mga taong nakakasalamuha mo o sa mga taong nakakalaro mo. Kadalasan sa labas lang ng bahay ginagawa ang mga larong ito. Naalala ko pa nga noon na talagang umiiyak ako maging ang aking mga kapatid kapag hindi kami pinapayagang lumabas ng bahay para makipaglaro dahil mainit pa raw sa labas. Talagang naiingit kami lalo na kapag naririnig ko na ang sigawan, tawanan, halakhak, kulitan ng mga naglalarong bata sa labas ng bahay namin.
Samantalang ngayon, iilan na lang ang mga batang naglalaro ng mga ganitong laro dahil hindi na sila gaanong nakikipagsalamuha sa ibang mga bata dahil itinuturing na nilang kaibigan at kalaro ang mga "online characters", mga "online at offline games " at iba pa dahil madalas ang kanila ng libangan ay ang paggamit o paglalaro ng mga mobile phones o gadgets. Ngunit kahit na nga ito na ang popular na laro sa ngayon kailangan pa rin natin silang pangaralan at pagsabihan dahil may negatibo rin itong epekto lalong lalo na sa kalusugan ng bata. Tinuturing man itong kulturang popular ng mga kabataan ang klase ng mga ganitong libangan, kailangan pa rin nating iwasan ang mga bagay na sa tingin natin ay makakasama.
Ngayon :
Ang lahat na ibinahagi ko sainyong pagbabago sa iba't ibang larang na sinasabing uso sa ngayon ay tinatawag na kulturang popular. Ang anumang nauuso sa ngayon ay ang tinatawag na kulturang popular. Bagama't ang kultura ang nagbibigay ng depinisyon kung ano ang maganda at kung ano ang katanggap-tanggap may kakayahan pa rin naman tayong tumanggi sa mga ito lalo na't alam natin na maaring makasira ito ng buhay ng isang tao, nilalabag ang karapatang pantao at iba pang dapat isaalang-alang. Katulad ko, may mga ilang kulturang popular din ang hindi ko talaga tinatanggap lalo na alam ko naman na makakabuti rin naman ito sa akin. Tandaan natin na kahit kulturang popular man ang mga ito mas mahalaga pa rin na pag-isipan muna natin ang mga "ipapauso" at piliin na rin natin ang kulturang popular na kung saan tayo makikiuso nang sa bandang huli ang kulturang ito kahit epekto man ng modernong panahon ay makakatulong pa rin sa atin.
Madaling magpauso at madaling makiuso yan ang isang katangian ng kulturang popular. Ang anumang mauuso ay maaring sabayan at sakyan ng tao ngunit napansin ko na habang tinatangkilik natin ang kukturang popular ngayon ay halos lahat na yatang nauuso noon na sumasalamin sa talagang kultura ng mga Pilipino ay lalong tinatabunan na ng kulturang popular. Isaisip pa rin natin na bago paman tayo nagkaroon ng tinatawag na kulturang popular ay may sarili na tayong kultura. Bagama't mahirap na itong mawala ang maaari nating gawin ay gamitin ang kulturang popular bilang insrtumento na magpapaalala na nagbago man ang ilang bahagi ng kultura ng mga Pilipino noon ay napakahalaga pa rin nang naging papel ng kultura natin noon na nag-iwan ng marka sa pagkakakilanlan natin.
Sanggunian :
Mga Komento