PAGBUNGKAL NG NAKATAGONG KAALAMAN SA LIKOD NG IBINAONG KARAPATAN (Isang malalimang pagsusuri sa tulang "Aklasan" ni Amado V. Hernandez)
Tria, Jingky Z.
ANG MAY-AKDA BILANG TAGASIWALAT
Si Amado V. Hernandez ay isinilang noong ika-13 ng Setyembre taong 1903. Ipinanganak siya sa Sagrada familia sa Hagonoy, Bulacan subalit siya ay lumaki sa Tondo, Manila kung saan nakapag-aral sa Mataas na Paaralan ng Maynila at Amerikanong Paaralan ng Pakikipag-ugnayan. Siya ay tinaguriang "Makata ng mga Manggagawa " dahil sinasalamin ng kanyang mga tula ang marubdob na pagmamahal sa mga dukhang manggagawa. Pinuna niya at sinuri ang kawalan ng katarungang naganap sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano . Nakipag-ugnayan siya sa komunista na siyang sanhi ng kanyang pagkakakulong na patunay ng kanyang pahayag sa kanyang tulang isinulat na pinamagatang "Isang Dipang Langit ".
Ayon sa kanya, ang panitikan ay mga kathang makasining, taglay ang mataas buhay, kaugalian, mga karanasan at kalagayan ng bayan o sosyedad sa isang kapanahunan, at lalong kanais-nais kung naranasan o nasaksihan ng awtor.
PAGBUNGKAL NG NAKATAGONG KAALAMAN SA LIKOD NG IBINAONG KARAPATAN
(Isang malalimang pagsusuri sa tulang "Aklasan" ni Amado V. Hernandez
ANG MAY-AKDA BILANG TAGASIWALAT
Si Amado V. Hernandez ay isinilang noong ika-13 ng Setyembre taong 1903. Ipinanganak siya sa Sagrada familia sa Hagonoy, Bulacan subalit siya ay lumaki sa Tondo, Manila kung saan nakapag-aral sa Mataas na Paaralan ng Maynila at Amerikanong Paaralan ng Pakikipag-ugnayan. Siya ay tinaguriang "Makata ng mga Manggagawa " dahil sinasalamin ng kanyang mga tula ang marubdob na pagmamahal sa mga dukhang manggagawa. Pinuna niya at sinuri ang kawalan ng katarungang naganap sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano . Nakipag-ugnayan siya sa komunista na siyang sanhi ng kanyang pagkakakulong na patunay ng kanyang pahayag sa kanyang tulang isinulat na pinamagatang "Isang Dipang Langit ".
Ayon sa kanya, ang panitikan ay mga kathang makasining, taglay ang mataas buhay, kaugalian, mga karanasan at kalagayan ng bayan o sosyedad sa isang kapanahunan, at lalong kanais-nais kung naranasan o nasaksihan ng awtor.
Naniniwala si Hernandez na ang manunulat ay dapat magkaroon ng kaugnayan sa kanyang kapanahunan, hindi tulad ng isang kaputol na kahoy na ibinalibag sa dagat at tinatangay ng alon. Ibig sabihin mula sa paniniwalang ito masasabi nating talagang naranasan o may koneksyon ang kanyang mga akda sa kaniyang sarili sa kanyang kapanahunan.
KAMALAYAN ; SISIMULANG BUNGKALIN
KAMALAYAN ; SISIMULANG BUNGKALIN
Ang salitang aklasan ay nangangahulugang pag-aalsa ng isang grupo sa na may itinatakdang hakbangin para sa kanilang hangarin o layunin.
Ang akdang pampanitikan na pinamagatang "Aklasan" na isinulat ni Amado V. Hernandez ay isang tula na nagpapahayag ng mga karanasan ng mga manggagawa. Sinimulan ng may-akda ang pagsusulat ng tula sa pamamagitan ng pagbibigay ng deskripsyon o paglalarawan sa isang senaryo na nangyari sa tula.
Ang akdang pampanitikan na pinamagatang "Aklasan" na isinulat ni Amado V. Hernandez ay isang tula na nagpapahayag ng mga karanasan ng mga manggagawa. Sinimulan ng may-akda ang pagsusulat ng tula sa pamamagitan ng pagbibigay ng deskripsyon o paglalarawan sa isang senaryo na nangyari sa tula.
Mula sa sipi na:
Nangatigil
ang gawain
sa bukirin
Nagpapahinga
ang makina
sa pabrika.
Ngatiwangwang
ang daunga't
pamilihan.
Nagsasaad ito ng isang senaryo na sa pamamagitan ng malikhaing paglalarawan ay malalaman natin na sa pagsisimula ng kanyang tula ay binigyan niya ng kahulugan ang mga salitang ginamit sa paglalarawan na "wala ng trabahong nagaganap sa pagitan ng mga manggagawa" mula sa unang taludtod ng tula (Nangatigil ang gawain sa bukirin), "wala ng nagtatrabaho sa pabrika "-mula sa ikalawang taludtod ng tula ( Nagpapahinga ang makina sa pabrika) at sinasabi ring pinabayaan na ang mga mangagagawa na dahilan ng pagkabagsak ng pamilihan dahil wala manggagawa - mula sa ikatlong taludtod ng tula (Nangalupaypay ang daunga't pamilihan). Binigyang diin ng may-akda ang dalawang klase ng manggagawa na may malaking papel sa isang kalakalan ( ang manggagawa sa bukirin o magsasaka at manggagawa sa isang pabrika)
Sa pagpapatuloy ng tula, kapansin-pansin sa isang sipi ng tula na sinasabing mas nakakagulat kapag ang isang tao partikular sa mga mangaggawa na bibihirang magsalita ay sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakapagpahayag ng kanyang saloobin ng walang anumang pasubali na noo'y walang kakayahang makapagpahayag ng kanyang saloobin dahil sa kanyang antas sa lipunan o dahil siya ay isa lamang manggagawa ay bigla nalang nagbanta sa mga madla.
Mula sa sipi na :
At sa madla
ay nagbanta
ang dalita
Bukod pa riyan, dahil sa mga naging karanasan ng mga manggagawa nagpasiya silang ipaglaban ang karapatan. Hindi na maaring abusuhin ang mga manggagawa. Natuto na silang lumaban sa pamamagitan ng pagrarally o pagwewelga.
Mula sa sipi na:
Ngalupaypay
ang puhunan
at kalakal
Nangasara
ang lahat na
Welga! Welga!
Bawat sipag
bawat lakas
ay umaklas
Diwang dungo't
ulong yuko'y
itinayo
Mula sa sipi sa ibaba, itinuturing ang mga mangagawa na walang kapangyarihan, mababang uri at walang kakayahang magpahayag ng kanilang saloobin ngunit sa kabila nito'y biglang nagkaroon ng kamalayan. Ito na ang pagsisismula ng kanilang pagtatanong.
Mula sa sipi na:
Ang maliit
na ginahis
ay nagtindig
Pagka't bakit?
di kakain
ang nagtanim
MADILIM NA KARANASAN SA LIKOD NG BATAS: PAGBUBUNGKAL NG HUSTISYA SA DI-PANTAY NA KITA
Ang panahon ni Hernandez (1903-1970) ay sumasakop sa panahon ng pananakop sa bansa ng mga Amerikano na sa panahong ito isinulat niya ang "aklasan".
Ang pananakop ng Hapon ay lalong nagpaigting sa relasyon ng mga Pilipino at mga Amerikano habang sila’y nagtulong sa digmaan. Dahil din sa digmaan, maraming mga maylupa ang napilitang iwanan ang kanilang hacienda at ito ay napunta sa kamay ng mga magsasaka na nakaranas ng kalayaan at pagsasarili. Nagtatag sila ng Hukbalahap ngunit matapos ang digmaan ay pinaalis sila sa lupang kanilang sinasaka.
MADILIM NA KARANASAN SA LIKOD NG BATAS: PAGBUBUNGKAL NG HUSTISYA SA DI-PANTAY NA KITA
Ang panahon ni Hernandez (1903-1970) ay sumasakop sa panahon ng pananakop sa bansa ng mga Amerikano na sa panahong ito isinulat niya ang "aklasan".
Ang pananakop ng Hapon ay lalong nagpaigting sa relasyon ng mga Pilipino at mga Amerikano habang sila’y nagtulong sa digmaan. Dahil din sa digmaan, maraming mga maylupa ang napilitang iwanan ang kanilang hacienda at ito ay napunta sa kamay ng mga magsasaka na nakaranas ng kalayaan at pagsasarili. Nagtatag sila ng Hukbalahap ngunit matapos ang digmaan ay pinaalis sila sa lupang kanilang sinasaka.
Sa panahon ng Amerikano ay itinatag ang tinatawag na "Parity Rights " na naglalayong bigyan ng pantay na karapatan ang mga Pilipino at Amerikano na gamitin at pakinabangan ang mga likas na yaman ng Pilipinas . Sa ilalim ng patakarang ito kinakailangan isuplay ng may -ari ng lupa ang binhi at iba pang gagamitin ng mga kasamang magsasaka sa buong panahon ng pagtatanim .Ang bahagi naman ng magsasaka ay ang mga hayop na gagamitin sa pagbubungkal ng lupa at ang kalahati ng gagastusing pera. Ngunit sa pamamaraang ito ay mas malaki ang naging kita ng mga may-ari ng lupa pagdating sa hatian. Ito ang naging dahilan kung bakit naghirap ang mga magsasaka lalona't ang kontrata ay hindi nakasulat at ang nakinabang ng husto sa sistemang nabanggit ay ang may-ari ng lupa.
Patunay lamang ito ng mga pangyayaring inilahad ni Hernandez sa kanyang tula na kung saan ang tulang "aklasan" ay repleksyon na magpapatunay ng mga pangyayaring naganap sa panahon ng Amerikano. Si Hernandez mismo ang nakasaksi ng mga pangayayaring ito na isinulat niya sa pamamagitan ng isang tula.
Ang bawat mensahe ng tula ay kaakibat ng mga pangyayari sa kapanahunan ni Hernandez. Ang mismong pangyayaring iyon ang nag-udyok sa kanya upang maisulat ang tulang "aklasan ".
Ang bawat mensahe ng tula ay kaakibat ng mga pangyayari sa kapanahunan ni Hernandez. Ang mismong pangyayaring iyon ang nag-udyok sa kanya upang maisulat ang tulang "aklasan ".
KARANASAN NG MGA MANGGAGAWANG BUKID SA HACIENDA LUISITA; PAGBIBIGAY-DIIN SA BAWAT SAKNONG NG TULA
"Aklasan"
Nangatigil
ang gawain
sa bukirin.
Nagpapahinga
At sa madla
ay nagbanta
ang dalita.
Nangalupaypay
ang puhunan
at kalakal.
Nangasara
ang lahat na…
Welga! Welga!
Bawa’t sipag,
bawa’t lakas
ay umaklas.
Diwang dungo’t
ulong yuko’y
itinayo.
Ang maliit
na ginahis
ay nagtindig.
Pagka’t bakit
di kakain
ang nagtanim?
Ang naglitson
ng malutong,
patay-gutom.
Ang nagbihis
sa makisig
walang damit.
Ang yumari
ng salapi’y
nanghihingi
Ang gumawa
Nalilibid
Pagbabangon
ang gawain
sa bukirin.
Nagpapahinga
At sa madla
ay nagbanta
ang dalita.
Nangalupaypay
ang puhunan
at kalakal.
Nangasara
ang lahat na…
Welga! Welga!
Bawa’t sipag,
bawa’t lakas
ay umaklas.
Diwang dungo’t
ulong yuko’y
itinayo.
Ang maliit
na ginahis
ay nagtindig.
Pagka’t bakit
di kakain
ang nagtanim?
Ang naglitson
ng malutong,
patay-gutom.
Ang nagbihis
sa makisig
walang damit.
Ang yumari
ng salapi’y
nanghihingi
Ang gumawa
ng dambana’y
hampas-lupa.
Ang bumungkal niyang yaman
nangungutang.
II
Bakit? Bakit
nangungutang.
II
Bakit? Bakit
laging lupig
ang matuwid
Di nasunod
Di nasunod
pati Dios
na nag utos Di tinupa
binaligtad
binaligtad
pati batas.
Ah, kawawa
ang paggawa
at ang dukha.
Laging huli,
laging api
laging api
laging bigti!
Ang aklasa’y
di tagumpay,
kung sa bagay.
Nalilibid
ng panganib
dusa’t sakit.
Pagka’t ito
ay simbuyong
sumusubo.
Pagka’t ningas
na nagliyab
at sumikab.
Pagbabangon
ng ginutom
at inulol
Himagsikan
Himagsikan
ng nilinlang
at pinatay.
Buong sumpa,
poot, luha,
ng paggawa.
Katapusan
ng kasama’t
pangangamkam
At sa wakas,
bagong batas,
bagong palad!
II
Nguni’t habang may pasunod
Na ang tao’y parang hayop,
Samantalang may pasahod
Na naki’y isang limos,
Habang yaong lalong subsob
At patay sa paglilingkod
Ay siyang laging dayukdok,
Habang pagpapabusabos
Ang magpaupa ng pagod,
Habang daming nanananghod
Sa pagkaing nabubulok
Ng masakin at maramot,
Habang laging namimintog
Sa labis na pagkabusog
Ang hindi nagpawis halos,
At habang may walang takot
Sa lipunan at Diyos,
At may batas na baluktot
Na sa ila’y tagakupkop,
Ang aklasan ay sisipot
At magsasabog ng poot,
Ang aklasa’y walang lagot,
Unos, apoy, kidlat, kulog,
Mag-uusig, manghahamok
Na parang talim ng gulok,
Hihingi ng pagtutuos
Hanggang lubusang matampok,
Kilalani’t mabantayog
Ang katwirang inaayop,
Hanggang ganap na matubos
Ang Paggawang bagong Hesus
Na ipinako sa kurus.
Taong 1957 ng bilhin ng pamilyang Cojuanco ang halos 6500 ektarya ng lupain ng Hacienda Luisita. Ang perang ginamit para mabili ito ay hiniram mula sa GSIS at Bangko Sentral ng Pilipinas. Pinahiram ang perang ito sa mga Cojuanco sa kasunduang ipamamahagi ng angkan ang kabuuang lupain sa mga magiging magsasaka nito makalipas ang sampung taon. Ngunit lumipas ang ilang
dekada, nanatili sa kontrol ng angkan ang buong lupain. At imbes na ipamahagi ang hasyenda, taong 1989 ay nagpatupad ang angkan ng sistemang Stock Distribution Option kung saan ay gagawin na lang di-umano ang mga magsasaka bilang stock holder ng Central Azucarera de Tarlac. Ngunit lumipas ang maraming taon, ang SDO ay naging inutil para sa mga magsasaka. Hindi nito pinaunlad ang abang kalagayan ng mga manggagawang bukid at magsasaka ng hasyenda. Lalong silang nabaon sa kahirapan. Nabawasan ang araw ng pagtatrabaho ng mga manggagawang bukid at ang lupa ng mga magsasaka ay lalong nawala sa kanila. Mula noon ay tumatanggap na lang sila ng 9.50 sahod kada araw. Imbes na ipamahagi ang lupain ayon na rin sa Comprehensive Agrarian Reform Program ito ay nanatili sa angkan ng mga Cojuanco. Sa totoo lang, mismong si dating pangulong Cory Aquino na nagsasabing puso ng kanyang pagiging pangulo ang CARP ay bigo sa pagpapatupad nito. Ang mas kasuklam suklam pa nga rito ay sa mismo nilang lupain ay bigo sila para ipatupad ang repormang agraryo. At ang SDO ay isa sa mga patunay na bigo ang programa na ito.
Dahil sa labis na hindi gusto ng mga magsasaka sa sistemang ito na labis na naglugmok sa kalagayan nila, Nobyembre taong 2004 ay naglunsad ng welga ang mga magsasaka ng hasyenda. Ilang araw ding itinayo ng mga magsasaka ang piket para igiit ang mas mataas na sahod at ang tuluyan nang pamamahagi ng lupa sa kanila. Ngunit ang welgang ito ay ilang beses ding tinangkang buwagin ng angkan sa pamamagitan ng pagdedeploy na napakaraming militar sa lugar. Sa panahon na nakatayo ang welgang ito ay samut saring panghaharas ang naranasan ng magsasaka. Katumbas naman nito ay ang lalong pagtibay ng loob ng mga magsasaka at manggagawang bukid para ilaban ang kanilang lupa. Matagumpay nilang naparalisa ang operasyon ng kompanya. Ito ay isa lamang sa mga patunay na sila ang tunay na lumilikha ng yamang ipinagkakait sa kanila. Hindi rin nagpakita ng interes at sensiridad ang angkan para makipagnegosasyon sa mga magsasaka. Bagkus, pinatindi pa nito ang militarisasyon sa buong hasyenda.
Nobyembre 16, 2004. 10 araw mula nang ikasa ng magsasaka ang welga, naganap ang isang karumal dumal na masaker sa hasyenda. Imbes na tugunan ang kahilingan ng mga magsasaka, bala ang itinugon sa mga ito. Pinaulanan ng bala ng mga militar at kapulisan ang mga welgista na nagresulta sa pagkasugat ng maraming welgista at pagkamatay ng pito sa kanila. Naganap ang makasaysayang Hacienda Luisita Massacre. At mapasahanggang ngayon ay wala pa ring nananagot sa nasabing masaker.
Ang stock distribution option (SDO) ay isang anyo ng panglilinlang sa mga magsasakang tunay na nagmamay-ari ng lupa. Sa ganitong iskema ay gagawin di-umanong stock holder ng isang korporasyon ang mga magsasaka at ang lupa nila ang magsisilbing share sa korporasyon.
Sa ganitong paraan napapanatili ng mga panginoong may lupa ang kontrol sa buong lupain. Napapanatili din nila ang pagsasamantala sa mga magsasaka. Ganito ang nangyari sa Hacienda Luisita ng ipatupad ng angkan ang SDO taong 1989. Pawang papel lamang ang natanggap ng mga magsasaka. Dahil din sa SDO ay nabawasan ang mga araw ng pagpasok ng manggagawang bukid sa loob ng hasyenda. Kung dati ay araw araw ang pasok nila, ito ay ginawa na lamang 3 beses kada lingo. Dinugas din sa hatian ng share ang magsasaka ng hasyenda na nagresulta sa hatiiang 67% share ng Hacienda Luisita Incorporated at 33 % share ng mga magsasaka. Ibigsabihin, naging major stock holder pa ang mga Cojuanco imbes na ang magsasaka. At ito ay naganap sa pamamagitan ng pambabarat sa presyo ng lupang pinagmamay-arian ng mga magsasaka at sobrang presyo naman para sa mga gamit at lupang nagmula sa angkan. Sa ganitong paraan nagkaroon ng sapat na kontrol ang mga Cojuanco habang nanatiling walang magawa ang mga magsasaka.
Patunay lamang ito nang kawalan ng hustisya at karapatan sa mga manggagawa. Isa itong problema sa lipunan na nagbibigay diin sa isyu na ang mga mayayamang may-ari ng lupa ang mas makapangyarihan at ang mga dukhang manggagawa ay patuloy na inaapi.
Ang tula ni Hernandez ay maituturing na isang Pilipinismo dahil hindi ito isang kaisipang hilaw na hinango sa mga banyaga, hindi kinopya sa anumang aklat sapagkat ito ay bunga ng kanyang sariling karanasan dahil sa kanyang pagkamulat sa pagkakaroon ng katarungang panlipunan. Ang anumang isinulat ng may-akda ay nangyari sa kanyang kapanahunan lalona't siya ay kasama sa kilusang paggawa noong panahon ng Amerikano. Kakikitaan din ang kanyang tula ng ilang pilosopiya o pananaw tungkol sa mga bagay katulad ng kaisipang sosyalista ni Hernandez ang sosyalismo ni Hernandez ay orihinal at personal, hindi sapat na ihanay lamang siya sa mga manunulat na makakaliwa tulad nina Mao, Lenin, o Marx sapagkat iba ang kanilang buhay-karanasan. Hindi tulad ng mga pilosopong nabanggit, hindi nagsagawa si Hernandez ng isang pangkalahatan at abstraktong teoriya ng kapitalismo at estado, sa halip ay nagbigay siya sa kangyang mga obra ng detalye at kongkretong paglalahad sa katayuan ng sistemang pulitikal at sosyal na umiiral sa bansa batay sa kanyang naranasan bilang isang manggagawa, peryodista, aktibista, politikal prisoner, at higit sa lahat, bilang isang Pilipino sapagkat ang kanyang mga pinagdaanan ay hindi naiiba sa mga naranasan ng maraming Pilipino noon man o ngayon.
Mga Pinagkunan:
Mga Komento