MALALIMANG PAGSUSURI NG PELIKULA
MALALIMANG PAGSUSURI NG PELIKULA
Sa tulong ng story board inilahad ng guro ang magiging daloy ng gawain ng mga mag-aaral na naglalayong:
Masuri ang napanood na pelikula batay sa paksa o tema, layon, gamit ng mga salita at mga tauhan - F8PB-IIIg-h-32
Pamantayan sa Pagsusuri ng Pelikula
Isa sa binigay na gawain ng aming guro ang pagsusuri ng isang sikat na pelikula " Anak" ni Rory B. Quintos.
Pinanood kong mabuti ang pelikula habang itinatala ang mga mahahahalagang pangyayari na makatutulong sa gagawin kong pagsusuri.
Ito na ang ginawa kong pagsusuri sa pelikula.
Repleksyon sa isinagawang gawain :
Hindi biro ang pagsusuri ng pelikula. Kailangang panoorin munang mabuti ang pelikula at itala ang mahahalagang pangyayari sa pelikula bago makagagawa ng pagsusuri. Hindi ka makasusuri ng isang pelikula kung hindi mo ito naunawaan at lalong kung hindi mo ito panonoorin.
Sa gawaing ito nahasa ang ilan sa mga makrong-kasanayang pangwika na dapat malinang sa aming mga mag-aaral katulad ng pakikinig, panonood, pagsusulat at pati na rin pagbabasa. Nahasa rin ang paggamit ko ng wikang Filipino sa pagsagot sa ginawa kong pagsusuri kaya naging makabuluhan ang gawaing ito para sa akin sapagkat bukod sa nasuri ko nang maayos ang pelikula,natutunan ko rin kung paano gumawa ng blog. Pinagsama ko ang aking kaalaman sa pagsusuri ng pelikula kasabay ng kasanayan sa paggawa ng isang blog. Kaya naging masaya ako sa gawaing ito. Umaasa ako na sana sa mga susunod pang gawain ay maging makabuluhan din katulad ng gawaing ito.
Mga Komento